Isasailalim sa rehabilitasyon ang Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) at ang dalawang pangunahing daan sa Quezon City, ayon sa Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH – NCR).

Sinabi ni DPWH –NCR Director Melvin B. Navarro, sinimulan ang pagkukumpuni nitong Biyernes (Hunyo 15), 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw ng Lunes (Hunyo 18), sa mga sumusunod na bahagi ng EDSA:

Patungong timog pagkatapos ng Arayat Street, pangatlong 3 lane mula sa sidewalk (Service Road) at sa harap ng Francesca Tower hanggan sa Scout Borromeo, pangatlong lane mula sa center island; at sa northbound patungong North Avenue - MRT Station, pangalawang lane.

Sabay ding isasaayos ang A. H. Lacson Avenue malapit sa España; at sa Batasan Road, mula sa Commonwealth Avenue papuntang Kalinisan Street, sa pangalawang lane.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mina Navarro