HINDI natanong ang reaction ni Dingdong Dantes sa balitang kabilang ang movie nila ni Anne Curtis, ang Sid & Aya (Not a Love Story), na may screening sa 17th edition ng New York Asian Film Festival, nang ma-interview siya sa presscon ng Amazing Earth.

Hindi pa kasi lumalabas that time ang magandang balita, pero tiyak na masayang-masaya sina Dingdong at Anne.

Isa lang ang Sid & Aya sa mga pelikulang Pilipino na may screening sa nasabing film festival dahil mapapanood din doon ang On the Job, We Will Not Die, at ang three movies na nasa main competition. Ito ay ang Respeto, Neo Manila, at Buy Bust, na pinagbibidahan din ni Anne, at sa nasabing film festival gagawin ang world premiere.

May mga nagre-request ng follow-up movie nina Dingdong at Anne, pero mukhang malabo ito sa ngayon, dahil may kani-kanya nang movie projects na pinagkakaabalahan ngayon ang dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa presscon ng Amazing Earth, nabanggit ni Dingdong na may two movies siyang gagawin. Mayroon din siyang Amazing Earth, na tatakbo ng one season at magpa-pilot sa June 17, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Kinumpirma rin ni Dingdong na may gagawin siyang teleserye sa GMA-7 bago matapos ang taon. Nakipag-meeting na siya sa mga bossing ng network, kaya hintayin na lang natin ang announcement tungkol dito.

-Nitz Miralles