LOS ANGELES (Reuters) – Magbabalik si Ellen DeGeneres sa kanyang pinagmulan dahil sisimulan niya ang una niyang stand-up comedy tour sa nakalipas na 15 taon, sa limited run of shows sa U.S. West Coast sa Agosto.

Ellen

Bibisitahin ng TV talk show host and actress ang tatlong lungsod sa walong gabi, sinabi ng promoters ng Live Nation nitong Huwebes.

Nagsimula ang career ni Ellen, 60, noong 1980s bilang stand-up comedian sa kanyang bayan sa New Orleans bago bumida sa sarili niyang comedy show na Ellen, kung saan umamin siya noong 1997 na siya ay tomboy at naging unang openly lesbian character sa telebisyon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Simula noon, ang gay rights activist ay naging isa sa pinakasikat na talk show hosts sa Amerika sa kanyang The Ellen DeGeneres Show na nagwagi ng 30 Emmys. Dalawang beses din siyang naging host ng annual Oscars ceremony at Emmy awards show.

Hindi binanggit ni Ellen kung bakit nagpasya siyang magbalik sa stand-up comedy makalipas ang maraming taon ngunit ang shows ay magiging basehan ng Netflix comedy special na mapapanood sa huling bahagi ng 2018.

Bibisitahin ng kanyang stand-up tour ang San Diego, San Francisco at Seattle sa Agosto 10-23.