Bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait para magpasalamat na pinagbigyan ang kanyang mga kahilingan para sa proteksiyon ng mga Pilipinong manggagawa sa Gulf State.

“I am happy. I am going to travel to Kuwait to thank them kasi they practically gave in to my demands,” aniya sa oath-taking ceremony ng mga bagong halal na barangay captains mula sa Central Luzon sa Clark, Pampanga nitong Martes.

Kabilang sa mga hiniling ng Pangulo na pinagbigyan ng Kuwait ay ang “no body contact,” pagpapahintulot sa overseas Filipino workers (OFW) na magkaroon ng isang araw na pahinga sa isang linggo, mahawakan ang kanilang mga passport, makagamit ng cellphone, at makapagluto ng kanilang sariling pagkain.

“I got all that I wanted. So out of gratitude, magpasalamat lang ako. After all, they’re also human beings, I found out,” ani Duterte.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hindi niya sinabi kung kailan magaganap ang pagbisita niya sa Kuwait.

-Genalyn D. Kabiling