IPINAGDIWANG ng Belgium ang 60th birthday ng Smurfs sa pagbibigay sa fans ng pagkakataong maranasan ang manirahan at makarating sa mystical forests at caves sa kanilang village sa pamamagitan ng virtual reality ride.

A Smurf character is seen at the Smurf Experience exhibition in Brussels

Nakatsamba ang cartoonist na si Pierre Culliford, na nagsusulat sa ilalim ng pseudonym na Peyo, nang maging hit ang incidental creation ng Smurfs noong 1958, na inisyal niyang inimbento bilang supporting characters sa kanyang comic ng medieval heroes na sina Johan and Peewit.

Dahil sa magandang feedback at demand ng publiko para sa mas maraming Smurf adventures, ginawan na ng Belgian ang blue-skinned creatures ng sariling libro nang sumunod na taon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Iyon na ang simula ng laban ng pamilya ng Smurf characters kay sorcerer Gargamel, na nais silang gold – na naging hit sa Hollywood at tumabo ng kalahating bilyon sa box office takings noong 2011.

Sa Smurf Experience at Brussels Expo, na tatagal hanggang Enero 2019, ang mga bisita ay dadalhin sa Smurf village, na mayroong human-sized mushroom-shaped na mga bahay, at ang virtual reality ride, habang nakikipaglaban kay Gargamel.

Sa linguistically divided country, ang Smurfs ang naging simbolo ng pagkakaisa sa Belgium, gayundin ang chocolate, waffles, beer at ang national soccer team.

“They (Smurfs) are a symbol of Belgian culture and of Belgian heritage,” lahad ni Chloé Beaufays, tagapagsalita ng exhibition.

Umaasa ang organisers na madadala ang exhibition sa iba pang European countries, gayundin sa Amerika at sa Asya, sa susunod na limang taon.

-Reuters