IBINAHAGI ni Mindy Kaling ang tungkol sa kanyang pag-aalinlangan tungkol sa pagiging isang single mother nang isilang niya ang kanyang anak.

Ayon sa ulat ng People, nagpahayag ang Ocean’s 8 star ng empowering commencement speech sa Dartmouth College (kung saan siya nagtapos noong 2001) nitong nakaraang taon, at ibinunyag niyang ang takot na kanyang naramdaman nang iuwi niya sa kanilang bahay, sa unang pagkakataon, ang ngayon ay limang buwang sanggol na si Katherine Swati.
“After my daughter was born in December, I remember bringing her home and being in my house with her for the first time and thinking, ‘Huh, according to movies and TV, this is traditionally the time when my mother and spouse are supposed to be here, sharing this experience with me,’” lahad ni Kaling, na ang sariling ina ay pumanaw dahil sa pancreatic cancer noong 2012.
“And I looked around and I had neither. And for a moment it was kind of scary, like, ‘Can I do this by myself?’” pagtutuloy niya. “But then that feeling went away because the reality is, I’m not doing it by myself. I’m surrounded by family and friends who love and support me.”
Dagdag pa ng The Mindy Project star at creator: “And the joy that I feel from being with my daughter Katherine eclipses anything from any crazy checklist.”
Nais ng aktres na gamitin ang kanyang sariling karanasan bilang gawing halimbawa at ipaliwanag na ang mga nagaganap sa buhay ng tao, ay batay sa nakatakdang mangyari.
“So I just want to tell you guys, don’t be scared if you don’t do things in the right order or if you don’t do some things at all,” payo ni Kaling sa graduates. “I didn’t think I’d have a child before I got married, but hey, it turned out that way, and I wouldn’t change a thing.”
“I didn’t think I’d have dessert before breakfast today, but hey, it turned out that way, and I wouldn’t change a thing,” pagbibiro pa niya.
Sinabi rin ni Mindy sa class of 2018 kung ano ang kanyang mga narating at nagawa sa loob ng 17 taon mula nang makapagtapos: ang abilidad na balansehin ang life plan na may kasamang willingness at hayaan ang mga bagay na maganap ayon sa nakatakdang mangyari.
“So if I could impart any advice, it’s this: If you have a checklist, good for you. Structured ambition can sometimes be motivating,” aniya. “But also, feel free to let it go.”
“Yes, my culminating advice from my speech is a song from the Disney animated movieFrozen,” biro pa ni Mindy.