ITINANGGI ng mga Beckham ang usap-usapan ng kanilang umano’y paghihiwalay sa pamamagitan ng magkasamang pagpapakita sa publiko nitong nakaraang linggo.

David at Victoria copy

Nitong Linggo, dumalo sina David Beckham at Victoria Beckham sa lunch celebration ng Kent & Curwen spring/summer 2019 capsule collection fashion show sa London. Siyempre ay nagpakuha ng litrato ang dalawa at ipinost ito ng dating Spice Girl member sa social media.

Halos taun-taon ay laging lumulutang ng tsismis tungkol sa Beckhams, na mahigit dalawang dekada nang kasal, na umano’y malapit na silang maghiwalay. Nitong nakaraang linggo, napaniwala ang social media users na totoo na ngang malapit nang maghiwalay ang dalawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“There is no statement due, no divorce, and a lot of Chinese whispers and fake social media news,” lahad ng kinatawan ng couple sa Sun.“This is all very bizarre and an embarrassing waste of time. It’s a crock of s***.”

Taong 1997 nang nagkakilala sina Da­vid, 43, at Victoria, 44, na biniyayaan ng apat na anak. Ipi­nahayag ng enter­tainer turned fashion designer na ito ay “completely love at first sight,” ulat ng Yahoo En­tertainment.