TAMA ang usap-usapan, si Sunshine Dizon nga ang bagong cast member ng Kambal Karibal at gagampanan niya ang role ni Maricar, ang tunay na ina ni Cheska na ginagampanan naman ni Kyline Alcantara.s

11.3

Nag-taping na si Sunshine at may teaser nang ipinapalabas. Ito ‘yung nakipagkita siya kay Geraldine (Carmina Villarroel) para bawiin si Cheska. Sa flashback, makikitang may kargang bata si Sunshine at ibinigay sa isang babae, ipinaampon pala niya ang anak.

Nag-post ng photo ng red roses boquet si Sunshine sa unang araw ng taping niya at nagpasalamat sa “warm welcome.” Inaabangan na ang magiging eksena nina Sunshine at Kyline at siguradong intense ito at may panunumbat na mangyayari sa parte ni Cheska lalo’t pasaway at maldita ito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Speaking of Sunshine, movie producer na ang aktres dahil kasama sina Iza Calzado, Diana Zubiri at Karylle na mga nakasama niya sa original Encantadia, itinayo nila ang Sangre Productions. Kasama rin nila sa film company si director Mark Reyes na director nila sa Encantadia at magdidirek ng kanilang pelikula.

Sa mga nag-aakalang Encantadia movie o kaya ay TV series ang kanilang gagawin, nilinaw ni direk Mark na “this is not a TV series” at hindi rin daw movie adaptation ng Encantadia.

Sa isang interview kay Iza, parang nabanggit nitong involved ang iflix sa movie na gagawin ng kanilang Sanggre Productions at ang sabi pa nga, ang movie nila ang isusunod ng iflix sa movie ni Kris Aquino na co-produced ng iflix at Star Cinema.

-Nitz Miralles