NAKA-CHAT namin ang presidente ng Spring Films na si Erickson Raymundo, na kasalukuyang nasa Los Angeles, California kasama si Sam Milby. Pagkatapos ay didiretso siya sa Chicago kasama si Iñigo Pascual for TFC events.

Sa susunod na linggo ay nasa San Francisco ulit si Erickson kasama naman sina Jay-R at Jaya para sa kaparehong event.

Klinaro ni Erickson na hindi kasama sa delegado ni President Rodrigo Roa Duterte si Binibining Joyce Bernal.

“Sumabay lang siya to explore possible collaborations with Korean producers. She is not part of the delegate, it’s our expense,” paliwanag ni Erickson.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Napag-usapan na rin lang namin si Direk Joyce, inalam na rin namin kay Erickson kung bakit hindi na si Direk Joyce ang magdidirehe sa pelikula ni Vice Ganda na isa sa entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.

“Ayaw na talaga ni Joyce last year pa mag-MMFF. Maganda raw ang materyal pero tingin n’ya hindi na para sa kanya,” paliwanag ni Erickson sa amin.

Hayan, klaro na kung bakit tumanggi na si Direk Joyce na idirehe ang pelikula ng It’s Showtime host.

Samantala, tinanong namin kay Erickson ang update ng ipo-produce nilang pelikula, ang Marawi.

“Si Joyce ang on top sa Marawi. Alam ko in two weeks start na [ang shooting],” sagot niya sa amin.

Wala pa ring binabanggit kung sino ang iba pang gaganap sa pelikula, kasing tipid din ng impormasyong ibinigay sa amin ni Piolo Pascual sa isang presscon ng endorsement ng aktor kamakailan.

Anyway, sobrang proud naman si Erickson sa isa pa niyang alagang si Direk Irene Villamor. Humahataw pa rin kasi sa sinehan ang Sid & Aya (Not a Love Story) nina Dingdong Dantes at Anne Curtis, na produced ng Viva Films at N2 Productions.

Caption ni Erickson sa litrato nila ni Direk Irene: “I watched #sidandaya last night with the writer/director of the movie @ayrin. Congratulations Ayrin! 84M on its first week!! Wow!! Everyone told me to watch the movie and now I can say the hype is real!! I love all the works of Direk Irene— Camp Sawi, Meet Me In St Gallen, Everything About Her (writer), Relaks It’s Just Pag-Ibig but Sid and Aya is probably her most unconventional film! It brought out the best in Dingdong and Anne. Everything is just right and good in this movie lahat! You have to watch this movie to find out how brilliant Direk Irene is.”

As of this writing ay umabot na sa P100 milyon ang kinikita ng Sid & Aya, and still counting.

-Reggee Bonoan