KABUUANG 17 high school standouts, sa pangunguna ni Ateneo High School center Kai Sotto ang napili para bumuo sa national pool kung saan kukunin ang mga magiging miyembro ng Batang Gilas squad na isasabak sa 2018 Fiba Under-17 Basketball World Cup na gaganapin sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8 sa Argentina.

Sa 17, 12 ang ang mga dating miyembro ng Batang Gilas team na naglaro sa nakaraang 2018 Fiba Under-16 Asian Championship.

Ang mga tinutukoy na manlalaro na ginabayan ni coach Michael Oliver ay kinabibilangan nina Sotto, Raven Cortez, Forthsky Padrigao, RC Calimag, Terrence Fortea, Joshua Lazaro, Geo Chiu, Yukien Andrada, Mac Guadana, Juric Bautista, King Balaga, at Rafael Go.

Ang limang nadagdag sa kanila ay sina Nazareth School of National University players Carl Tamayo at Gerry Abadiano, Migs Pascual ng De La Salle-Zobel, Kean Baclaan ng San Sebastian College at Bismark Lina ng University of Santo Tomas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Samantala, kasama na rin sa coaching staff ni Oliver sa Batang Gilas si NU coach Goldwin Monteverde.

Sa nakaraang draw, ang Pilipinas ay napasama sa Group D kung saan kabilang din ang Croatia, France, at host Argentina.

Nakapag-qualify sa torneo ang Batang Gilas makaraang umabot sa semifinals sa nakaraang Fiba Under-16 Asian Championship. - Marivic Awitan