Ella at Donnalyn
Ella at Donnalyn

HALF sisters ang roles na ginagampanan ng Millenial Dance Princess na si Ella Cruz at ng Social Media Sweetheart na si Donnalyn Bartolome sa suspense thriller movie na Cry No Fear, ng Viva Films.

Hindi sila magkasundo at punung-puno ng poot sa isa’t isa. Lalo pang lulubha ang sitwasyon nang umalis ang kanilang ama, at ang kanilang yaya ang tanging kasama nila.

Batay sa takbo ng istorya, magugulat ang magkapatid sa biglang pagsulpot ng ruthless intruders na ayaw lisanin ang kanilang bahay. Aware sila na may nakaambang panganib, at kailangan nilang magkasundo para iligtas ang isa’t isa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aminado naman si Ella na mas madali ang mag-drama o magpakuwela. Ang lubhang mahirap para sa kanya ay ang mag-project ng takot.

“Gumawa po ng naibang paraan si Direk Richard (Somes) para magampanan ito nang wasto. Nagkaroon din po kami ng workshop,” sabi ni Ella.

“Nagkasama na kami ni Donnalyn sa Darkroom at lalo kaming naging close working together sa Cry No Fear,” dagdag pa niya.

Ayon kay Direk Richard, hindi para sa mahihina ang puso ang Cry No Fear.

Tungkol naman sa working attitude nina Ella at Donnalyn, sinabi ng direktor na kapwa propesyunal ang dalawa at walang attitude problem.

Tampok din sa suspense thriller sina Lander Vera Perez, Christopher Roxas at Patricia Javier, sa kani-kanilang pagbabalik-pelikula. Sila ang ruthless intruders sa buhay half sisters.

Showing na sa June 20 ang Cry No Fear. - Remy Umerez