Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

Ni NORA V. CALDERON

PAREHONG health buff ang mag-sweetheart na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kaya naman enjoy sila sa magkasabay na pagwo-workout sa umaga bago sila pumunta sa kani-kanilang trabaho.

Kailangan daw kasi nilang maging trim and fit lagi para sa mga ginagawa nilang projects.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Instagram story ni Jennylyn, kasama pa nilang nagwo-workout ni Dennis ang favorite cat niya.

Maaaksiyon din kasi ang mga eksena ni Jennylyn sa pinagbibidahang epidemic-serye, ang The Cure.

“Mas marami po akong action scenes ngayon, lalo na at pansamantalang nawala si Tom (Rodriguez), ang husband kong si Greg sa story,” kuwento ni Jennylyn. “Kung nasusubaybayan ninyo, as Charity, naiwan sa akin ni Greg ang anak naming si Hope, matapos siyang magpaalam na siya ang magpapahabol sa mga infected para makaligtas kami ng anak niya. Pero iyon nga, ilang araw na ang nakalipas, wala siya, hindi na siya nakabalik. Kaya naiwanan ako para protektahan si Hope at ang isa pang bata, si Yel, na inako namin ang pag-aalaga dahil naging infected na at namatay ang mga magulang niya.

“Mas marami pa raw akong gagawing action scenes sa mga susunod na episode kaya kailangan pong ready talaga ang katawan ko. Pero kahit po ganoon, ini-enjoy ko ang mga ginagawa ko,” paglilinaw sa amin ni Jen. “Salamat nga po pala sa mga nagpapadala sa akin ng feed back na nagugustuhan nila ang The Cure gabi-gabi, after ng 24 Oras.”

Samantala, hindi pa man natatapos ang last romantic-comedy series ni Dennis sa GMA 7 na The One That Got Away, ay nagsimula na siyang mag-shooting ng new movie niya, ang On The Job 2 under Erik Matti.

“Kahit po naman sa TOTGA ay may mga ginawa kaming eksena na napapasabak din kami sa away,” sabi ni Dennis. “At madalas din na naglalakad kami nang malayo, kaya kailangan talaga ay trim at fit kami sa eksena, iyong mga kasama ko ay mga health buffs din kaya enjoy lamang kami kahit nagtatrabaho.

“At dito sa On The Job 2, which is my dream movie, matagal ko na kasing gustong maidirek ni Erik Matti, at punung-puno ito ng action scenes. Kaya after ng TOTGA, diretso na ako sa shooting namin nito,” pag-amin ni Dennis. “Excited ako dahil isa sa mga makakasama ko ay ang hinahangaan kong Drama King, si Christopher de Leon.”

Sinabi rin ni Dennis na hindi pa niya tiyak kung kailan talaga ipalalabas ang On The Job 2.