Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections noong nakaraang buwan na hanggang sa Miyerkules, Hunyo 13, na lang ang paghahain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Kaugnay nito, upang ma-accommodate ang lahat ng maghahain ng SOCE ay tiniyak ng poll body na bukas ang kanilang mga tanggapan sa Hunyo 12, kahit pa holiday sa nasabing araw dahil sa paggunita ng bansa sa Araw ng Kalayaan.

“The deadline for the filing of SOCEs for #BSKE2018 is on June 13,” tweet ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa mga kumandidato.

“Please note that @COMELEC offices will be open on June 12, to receive SOCEs,” ayon pa kay Jimenez.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Tiniyak naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na lahat ng field office employees ay tatanggap ng overtime pay sa nasabing araw.

“@COMELEC all field office employees have overtime pay on June 12. They will accept SOCEs statement of contributions. Deadline June 13,” tweet ni Guanzon.

Alinsunod sa batas, lahat ng kumandidato, nanalo man o natalo, ay obligadong magsumite ng kanilang SOCE, at ang mabibigo ay madidiskuwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno. - Mary Ann Santiago