HOST ang bansa sa 10th Asean Para Games sa Enero 2020, ayon sa opisyal na pahayag ng Asean Para Sports Federation nitong Biyernes.
Dumating sa bansa ang mga miyembro ng Asean Para Sports Federation para sa dalawang araw na pagpupulong kung saan ibinida ng bansa ang kahandaang ng mga venue para sa biennial meet.
Pinangunahan ni International Paralympic Committee president Andrew Parsons ang mga foreign visitors.
Tulad nang napagkasunduan, bilang host ng regular na Southeast Asian Games sa 2019, ang Pilipinas ang siya ring punong-abala sa Asean Para Games, ang multisports event para sa mga atletang differently-abled.
Ayon kay Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, tampok na isyu sa pagpupulong ng Asean Para Sports Federation ang bilang ng sports na lalaruin sa 2020 Asean Para Games. Sa kasalukuyan, tinukoy ng federation ang 22 sports.
“Once we’ve decided the sporting events and the competition events, we will know how many athletes we will be hosting,” pahayag ni Barredo sa ginanap na press conference sa Shangrila The Fort.