Naaresto ng mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB) ang isang lalaking miyembro umano ng “Salisi” gang sa Barangay Marulas, Valenzuela City, nitong Miyekules ng hapon.

Nakakulong ang suspek na kinilala ni Chief Inspector Jovencio Urbien, Jr., hepe ng head ng SIB, na si Ferdinand Jay Ramos, ng Batimana Compound, Bgy. Marulas.

Paliwanag ni Urbien, ang grupo ni Ramos ang responsable sa serye ng nakawan sa mga dormitoryo sa nasabing lugar.

Nauna nang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na namataan ang suspek at pagala-gala sa lugar.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Inaresto si Ramos sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Elena Amigi-Amano ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) para sa kasong Roberry (Art. 299) ng Revised Penal Code (RPC).

-Orly Barcala