Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa posibleng pagbaha o landslides sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, makaraang paigtingin ng bagyong ‘Domeng’ ang habagat.

Ipinaliwanag ni Obet Badrina, weather specialist ng PAGASA, na walang direktang epekto ang Domeng sa alinmang bahagi ng bansa.

Gayunman, magdudulot pa rin ito ng mahina at katamtamang pag-ulan hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Visayas at Luzon ngayong weekend.

Sa advisory kahapon ng PAGASA, bahagyang lumakas ang bagyo na may lakas ng hanging 55 kilometers per hour (kph) at bugsong hanggang sa 65 kph.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa taya ng PAGASA, ang bagyo ay nasa layong 835 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora, at tinatayang kikilos sa bilis na 15 kph.

“It is still unlikely to hit land but as it moves further northward, It could further enhance the southwest monsoon that will trigger moderate to heavy monsoon rains over Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz, Guimaras, Iloilo, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan by Friday,” babala ng PAGASA.

Hindi na rin inaasahan ng PAGASA na magla-landfall ang bagyo sa alinmang bahagi ng bansa.

-Ellalyn De Vera-Ruiz