CAMP OSCAR FLORENDO, La Union – Patay si Vice Mayor Michael Fariñas ng Laoag City, Ilocos Norte habang sugatan ang kanyang police escort nang mawalan ng kontrol sa manibela habang minamaneho ang Mercedes Benz sa by-pass road sa Barangay Vira, Laoag City kamakalawa.

Base sa imbestigasyon, dahil sa vehicle overshoot ay nawalan ng kontrol sa manibela si Fariñas at bumangga sa konkretong barikada at nagpaikut-ikot hanggang sa bumagsak sa palayan.

Dahil sa pagkakasalpok, tumilapon mula sa sasakyan si Fariñas at nagtamo ng matinding sugat sa ulo at katawan.

Napag-alaman na hindi nagsuot si Fariñas ng seatbelt, habang ang escort niyang si SPO2 Melchor Geronimo ay nag-seatbelt at patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang awtoridad.

-ERWIN BELEO at FER TABOY