BALIK-PELIKULA ang former Viva actress-turned Pola, Oriental Mindoro Vice Mayor Jennifer Mindanao Cruz, aka Ina Alegre, sa indie film na Men In Uniform. Gaganap siyang asawa ni Alfred Vargas.

Ina

Sinabi ni Ina na hindi niya masasabing God’s calling ang pagiging public servant niya ngayon bilang vice mayor ng Polo.

“It comes to my heart and kahit anong gawin ko, kahit puwersahin ko ‘yung sarili ko na ayoko, pero nandoon, eh. ,Yung public service po talaga ang nasa puso ko, na makatulong talaga sa mga tao. Hindi lang sa mga constituents ko sa Pola, Oriental Mindoro bilang vice mayor nila, kundi sa lahat ng puwede kong matulungan,” paliwanag ni Ina.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Wala pang tatlong taon na naninilbihan si VM Ina sa Pola, pero marami-rami na rin siyang nagawa para sa kanyang mga kababayan, in fairness.

Kuwento ni Ina, wala raw makikita ngayon sa Pola na nakapaa, o iyong walang sapin sa paa. Lahat daw ng tao dun ay puro may mga tsinelas na.

Sa kasalukuyan, meron siyang 42 scholars. Mayroon din siyang negosyo para sa kabataan para matutong magnegosyo ang mga ito. Kumbaga, kasama na ‘yung sa kanyang livelihood program plus gift-giving sa mga nagbi-birthday na senior citizens.

Lahat ng ito ay sa thru Ina Foundation, at wala raw ginagastos ang local government ng Pola o ng Oriental Mindoro. Paglilinaw niya, hindi naman lahat ay galing sa sarili niyang bulsa, kundi may mga kaibigan siyang tumutulong sa kanyang Ina Foundation.

Ngayon nga ay super happy si Ina dahil muli siyang nagbabalik bilang artista sa Men In Uniform, kasama ang kapwa niya pulitikong si Congressman Alfred Vargas.

“Once an actress, will always be an actress. Hahanap-hanapin mo, eh. Happy ako kasi after how many years, nakagawa uli ako ng movie and hindi ko nga akalain na ganoon siya kaano…kabilis matapos kasi nga hindi ko namalayan agad showing na pala now sa ilang piling sinehan nga lang,” sabi ni Ina.

“Yeah, na-miss ko talaga ang showbiz. Nagkakailangan nga kami ni Cong. Alfred. ‘Yung time na aakapin niya ko dun sa movie. Alam n’yo nung inaakap niya ‘ko, naano ako… nailang. Siguro, dahil matagal na akong ‘di nakagawa ng movie,” kuwento pa niya.

“After doing Men In Uniform, may mga offers pero hindi ko pa masasagot, kasi nga mahirap pagsabayin ang political at showbiz career, eh,” pagtatapos ni Ina sa aming interview.

Anyway, dahil nga may pelikula siya ngayon, na showing na nga in selected theaters so shall we say, welcome back sa showbiz, Ina Alegre, na in real life ay si Pola Vice Mayor Jennifer Mindanao Cruz.

-MERCY LEJARDE