KABILANG ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga celebrity na nagpahayag ng suporta kay Kris Aquino.

Sa post ni Marian, sinabi niya: “I’ll pray for you ninang. #Hugs”, na sinagot ni Kris ng “@marianrivera thank you inaanak. Yung inner Marian ko lumabas kaya nanghamon na ng walang atrasan.”

Si Dingdong naman, ipinost ang picture nila ni Marian with Kris, na may caption: “ We love you Ninang! @krisaquino from 2014 night before our wedding.”

Samantala, napupuri si Dingdong sa naging pahayag niya tungkol sa sinabi ni Sen. William Gatchalian kaugnay ng pagkukumpara ng senador sa paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa South Korea sa kissing scene na ginagawa ng mga artista sa pelikula at telebisyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, pina-plug na sa GMA-7 ang documentary na Amazing Earth, na hosted ni Dingdong, at si Rico Gutierrez ang magdidirek ng part ng aktor. June 17 daw ang pilot nito at mapapanood every Sunday.

Mukhang pahinga muna sa pag-arte si Dingdong dahil magho-host muna siya.

-Nitz Miralles