Nilalayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maipamahagi ang cash grants sa walong milyong household-beneficiaries pagsapit ng Hulyo upang makaagapay sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa mahihirap na Pilipino.

Sa ilalim ng unconditional cash transfer (UCT) program, ipagkakaloob ang cash subsidy sa 10 milyong pamilya upang ayudahan sila sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo, na naapektuhan ng TRAIN law.

Tatanggap ang mga benepisyaryo ng P200 bawat buwang subsidiya para sa 2018, at P300 kada buwan para sa 2019 at 2020.

Sa kabuuan, target ng DSWD na mabayaran ang grants ng 8 milyong benepisyaryo o 80 porsiyento ng 10 milyong intended recipients ng UCT sa pagtatapos ng Hulyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kabilang sa numerong ito ang 4.4 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 3 milyong social pensioners, at 600,000 Listahanan validated beneficiaries.

-Ellalyn De Vera-Ruiz