Sabay-sabay inaresto ang 16 na katao sa pagsalakay ng awtoridad sa umano’y drug den sa Calamba City, Laguna, iniulat kahapon.

Sinalakay ng mga tauhan ng Calamba City Police Office (CCPO) ang bahay na ginagawa umanong drug den sa Barangay Parian, Calamba City, dakong 11:45 ng gabi nitong Miyerkules.

Hindi na nakatakbo ang mga suspek na sina Adrian Palad; Reynosa Manrilla; Rico Cahilig; Jerico Selahe; Saulo Sagun; Glen Aquino; Erik Aquino; Roniel Mecosa; Ireneo Boiser; Neo Mance; Arnel Capili; Fidel Alcaide; Eugenio Ybuan, Jr.; William Monteroso; Chistoper Parjan; at Leonora Balicuro, na pawang nahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga.

Nasamsam sa mga suspek ang walong pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P4,000.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Narekober naman ang limang piraso ng P100 bill na ginamit na marked money, P800 cash, at mga drug paraphernalia.

-Fer Taboy