MAGANDANG balita kung totoong may nakaambang reunion sa pagitan ni Kris Aquino at ni Nay Cristy Fermin. Bakit naman hindi ay matagal din silang nagkasama noon sa The Buzz with Boy Abunda sa ABS-CBN. Alam nila ang mga nangyayari sa bawat isa. Hindi mahirap makalimutan ang mga pagkakaibigan, lalo pa at tiyak na nasa pagitan pa rin nila si Tito Boy hanggang ngayon.

Taong 2008 pa nag-exit si Cristy sa The Buzz at naiwan si Kris, with other co-hosts, and the rest is history na rin nang si Kris naman ang umalis sa nasabing afternoon talk show.

Marami nang nangyari sa buhay ni Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby. Pero hindi nga mawawala ang pagkakaibigan, lalo na nang dinepensahan kamakailan ni Cristy si Bimby kaugnay ng mga salitang binitiwan ni Jay Sonza laban sa bunso ni Kris. Bakit kasi ang iba, kapag galit sa isang tao, pati ang mga mahal sa buhay ng taong iyon ay idinadamay kahit wala namang ginagawa?

Ngayong muling nasa “laban” si Kris kontra kay Presidential Communications Asec Mocha Uson, hindi kami magtataka kung sasamahang muli ni Cristy si Kris sa laban nito. Tiyak namang bukas ang programa ni Cristy sa TV 5 kung gustong magsalita ni Kris.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Kaya kung totoo ang balita, tiyak na one of these days ay puwede ngang magkaroon ng reunion sina Kris at Cristy sa radio program ng huli sa TV 5. Puwede nang magsimula rito si Kris, na nangakong hindi uurungan si Mocha.

-Nora V. Calderon