Kumpiyansa si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na magkakasundo ang dalawang kapulungan sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago pa ang State-of-the-Nation Address (SONA) sa Hulyo 23.

Ayon kay Zubiri, nag-usap na sila ni Majority Leader Rudy Fariñas ng Kamara na magkakaroon sila ng bicameral conference sa Hulyo 9-13, upang ayusin ang anumang pagkakaiba sa bersiyon ng Kamara at Senado.

Kasabay nito, tiniyak ni Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman na naghahanda na rin silang ibigay ang mga dokumento sa Bangsamoro Transitional Commission (BTC).

Kasama ni Zubiri sa pulong sina Minority Leader Franklin Drilon, Senators Aquilino Pimentel III, Juan Edgardo Angara, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Francis Escudero, Francis Pangilinan, Risa Hontiveros, at Loren Legarda.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukod kay Fariñas, kasama rin mula sa panig ng Kamara sina Representatives Pedro Acharon, Jr., Mauyag Papandayan, Jr., Ruby Sahali, Bai Sandra Sema, Juan Pablo Bondoc, Arthur Defensor, Jr., Johnny Pimentel, Eugene Michael de Vera, Rodolfo Albano III, Amihilda Sangcopan, Wilter Palma II, Celso Lobregat, Mohamad Khalid Dimaporo, Abdullah Dimaporo, Romeo Acop, Seth Frederick Jalosjos, at Shernee Abubakar Tan.

-Leonel M. Abasola