Iginiit kahapon ng isang militanteng solon sa Kongreso na imbestigahan ang kontrobersyal na tanggapan ni Solicitor General Jose Calida dahil sa umano’y mga anomalyang kinasasangkutan nito. 

Pagdidiin ni Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Isagani Zarate, hindi dapat palampasin ng pamahalaan ang mga alegasyon laban sa OSG makaraang masilip mismo ng Commission on Audit (CoA) ang sobra-sobrang honoraria at allowance na natanggap ni Calida na aabot sa P7.46 milyon.

Paglabag, aniya, ito sa 1985 CoA circular na nagbabawal sa sinumang opisyal ng pamahalaan na tumanggap ng additional fee na lalagpas sa 50 porsiyento ng kanyang taunang suweldo.

Tinukoy ni Zarate ang 2017 annual report ng CoA, na nagbunyag na sumusuweldo si Calida ng P1.827 milyon kada taon.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Nangangahulugan, aniya, na makatatanggap lamang ito ng maximum additional compensation na P913,950.

Pinansin ng CoA ang kabuuang P8.376 milyong allowance na tinanggap ni Calida na idinaan sa Financial Management Service ng OSG, at nangangahulugang nagkaroon i t o ng excess compensation na P7.462 milyon.

-Ellson A. Quismorio