AMINADO si Piolo Pascual na mahalagang maging health conscious siya dahil hindi na siya bumabata, at sobrang busy pa niya sa trabaho. Pinagsasabay-sabay niya ngayon ang pagpo-promote ng teleseryeng Since I Found You, bukod pa sa weekly sitcom niyang Home Sweetie Home, at may ASAP pa siya tuwing Linggo.

Bukod sa kanyang showbiz commitments, busy rin si Piolo sa training na bahagi ng preparasyon niya para sa yearly fun run ng Sun Life.

“My doctor recommended me to take collagen,” bungad ni Piolo sa launch ng bago niyang endorsement, ang My Daily Collagen.

“It is important for us to take supplement especially ‘pag busy sa trabaho, may nagre-repair sa nawawalang energy in our body. (So) we need protein drink or collagen for that matter,” paliwanag pa ng aktor.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

“Tumatanda na rin tayo and it’s important to take collagen, it’s 100% Pinoy (made) and I go for the local brand,” dagdag pa niya.

Sa nasabing presscon, natanong si Piolo tungkol sa matagal nang hiling ng kanyang mommy na bigyan niya uli ito ng apo.

“Baka kapag 50 na ako,” sagot ni Piolo. “Seryoso, gusto ko talagang mag-enjoy pa sa buhay ko. I’m 41 now. I got about a couple of years. Bago tumanda nang lubusan ‘yung nanay ko, siyempre gusto ko siyang bigyan ng panibagong apo because she always makes me kulit. But ang dami ko pa kasing gustong gawin sa buhay ko.”Binatang-binata na ngayon ang anak na si Iñigo Pascual, laging nababanggit ni Piolo na he always wanted to have a family of his own and he wants to have another offspring.

“Hindi ko kasama sa bahay iyong anak ko, eh. I want a family. I always tell him [na] sana he lives with me. But he’s already an adult and he grew up in the States,” kuwento ni Piolo.

Dugtong pa niya, “I would want a family. I would love to see my kid grow up from the time he was born until he’s a grownup,” pagtatapos ng Kapamilya heartthrob.

-Ador V. Saluta