PARIS (AP) — Sa ika-12 French Open quarterfinal, haharapin ni Novak Djokovic ang karibal na pamilyar sa kanya, ngunit estranghero sa mga tagahanga.
Sa edad na 25-anyos, minsan nang napatawan ng match-fixing suspension si Marco Cecchinato ng Italy. Bago ang season, tangan niya ang tour-level; career record na 4-23 at 0-4 sa Grand Slam.
Ngunit, ngayon, lalaro siya sa pinakamalaking torneo ng kanyang career at laban kay Djokovic para sa karapatang makausad sa Final Four ng men’s single sa Roland Garros.
Pinatalsik ni Cecchinato si No. 8-seeded David Goffin 7-5, 4-6, 6-0, 6-3, nitong Linggo (Lunes sa Manila).
“For me,this is the best moment of my life,” aniya.
Madalas na magkita sina Cecchinato at Djokovic sa Monte Carlo. Ang 12-time major champion na si Djokovic ay naninirahan dito, habang si Cecchinato ay nagtatrabaho sa academy.
“I have known of him for many years,” sambit ni Djokovic matapos ang 6-3, 6-4, 6-2 panalo kontra No. 30 Fernando Verdasco. “I know now his game and I practiced with him. I watched him play. For sure, he’s playing the tennis of his life.”
Sa hiwalay na men’s action, nagwagi si No. 2 seed Alexander Zverev para makaharap si No. 8 Dominic Thiem.