Sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin, ipinaubaya ni Pangulong Duterte sa Kongreso ang magiging kapalaran ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Inihayag ito ng Pangulo sa gitna ng mga protesta at panawagan na suspendihin ang TRAIN law dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan dulot ng pagsirit ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa kanyang talumpati bago magtungo ng South Korea para sa tatlong araw na pagbisita, sinabi niyang, “Well, the law was enacted by Congress, I’ll leave it to Congress to decide whether or not to amend or suspend or modify the law.”

“I’ll leave it to Congress. There’s no value in giving much—of what I want. Because kung sabihin ko naman na because we need it for the Build, Build, Build at kung sabihin—wala naman akong magawa,” ani Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hiniling naman ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) sa gobyerno na kaagad maglabas ng polisiyang kokontrol sa presyo ng bilihin, kasabay ng pagkondena sa pananatili ng TRAIN Law.

“Kung tutuusin, kaming mga maralitang walang regular na kita at walang pakinabang ang pumapasan ng buong bigat ng TRAIN Law. Aanhin naman namin yang mga imprastrukturang itatayo kung wala na kaming makain, nakakain ba ‘yang TRAIN ni Duterte?” sinabi ni Manny Toribio, tagapagsalita ng KPML.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Bella Gamotea