NABUHAYAN ng loob ang AlDub Nation, ang fans ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, nang magkatotoo nitong Sabado ang matagal na nilang hinihiling sa Eat Bulaga—na sana ay magsamang muli sina Alden at Maine.

10

Nalulungkot ang AlDub Nation dahil matagal na raw walang interaction sina Alden at Maine sa longest running noontime show dahil madalas nang wala si Alden at busy sa taping niya ng Victor Magtanggol. Lagi namang nasa barangay si Maine para sa Sugod-Bahay segment, kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Last Friday, sa video ay nag-imbita si Maine na panoorin siya sa EB bilang si Zendaya. May post din sa EB Facebook na huwag daw palalampasin ang show nitong Saturday dahil mag-i-impersonate sina Ryzza Mae Dizon as Kesha, si Baeby Baste as Pitbull, Jose Manalo as Bruno, Wally Bayola as Camila, si Alden as Zac Efron, at si Maine as Zendaya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pero ayaw ma-hopia ng AlDub Nation na magkasamang magpe-perform sina Alden at Maine, bagamat okay na rin sa kanila basta magkasama on stage ang dalawa.

Kaya naman napuno ng sigawan at palakpakan ang buong Broadway studio nang magkasunod na lumabas sina Alden at Maine. Nag-perform sila ng isang eksena sa Greatest Showman nina Zac at Zendaya. Inawit nila ang Rewrite The Stars, at comment ng mga fans na bagay daw sa dalawa ang nasabing kanta. May aerial dance pa sila, na hindi man gayang-gaya ng sa movie ay nagpasaya naman sa audience at sa televiewers.

Nakatulong kay Alden na mas slim na siya ngayon dahil sa training niya para sa Victor Magtanggol. No problem nang umakyat si Maine sa kanya, habang siya naman ay naglambitin habang umiikot sila ni Maine, hanggang sa ibaba niya si Maine sa balikat niya. Nalaman namin na Friday evening lang ni-rehearse ng dalawa ang number nilang iyon.

Bukod dito, sa “Album Guhit Bulaga Plus” segment ay magkasama pa rin sina Alden at Maine sa Yellow Team. Sila ang magka-partner sa pagguhit na huhulaan ng kanilang kasama sa team. Sayang nga lang at natalo sila ng Blue Team.

Dahil dito, nag-request tuloy ang AlDub Nation sa Eat Bulaga na kung puwede, kahit every Saturday man lamang ay magkasama ang paborito nilang love team.

-NORA V. CALDERON