SKOPJE (AFP) – Libu-libong tagasuporta ng rightwing opposition VMRO-DPMNE party ng Macedonia ang nagmartsa sa mga kalsada ng kabiserang Skopje nitong Sabado para iprotesta ang planong palitan ang pangalan ng bansa, na sentro ng iringan sa katabing Greece.

Sinabi ni Zoran Zaev, prime minister ng dating Yugoslav republic, nitong Miyerkules na nasa ‘’final stages’’ na ang mga negosasyon sa Athens para maresolba ang 27-taong iringan. Ang pinagpipiliang bagong pangalan ng Macedonia ay ang ‘’New Macedonia’’ at ‘’Upper Macedonia’’.

Tutol ang Athens sa constitutional name ng katabing estado na Republic of Macedonia, dahil mayroong probinsiya ang Greece sa hilaga na tinatawag na Macedonia, ang cradle ng ancient empire ni Alexander the Great.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'