Dinampot ng awtoridad ang isang pulis-Basilan matapos umano itong mangikil sa mga biyahero sa Lamitan City port.
Kinilala ng Counter-Intelligence Task Force (CITF) ang suspek na si PO3 Basir Alam, nakatalaga sa Philippine National Police (PNP)-Maritime Group.
“He was arrested after receiving a marked money from the CITF operative who acted as a shipper,” anang CITF.
Isinagawa ng CITF ang entrapment operation sa Port Area ng Lamitan batay sa reklamo ng mga ilang shipper na nagbibiyahe ng mga produkto sa Zamboanga City mula sa Isabela City.
Humihingi umano si Alam ng P500-P1,000 bilang travel clearance sa pagsakay sa barko sa Lamitan City port.
Dahilan naman ni Alam, kabilang sa mga binabayaran sa puerto ang kanyang sinisingil ngunit hindi siya nagbibigay ng resibo. (Aaron Recuenco)