Ni JIMI ESCALA

TUMAWAG sa amin ang isang kaibigang taga-Marikina para ibalita na nagbabad daw si Bea Alonzo sa Marikina Sports Center last Tuesday afternoon para manood sa basketball practice ng nobyong ni Gerald Anderson.

bEA copy

So, going strong pa rin pala ang relasyon ng dalawa, na nabalita na noon na nagkahiwalay sa kasagsagan ng promo sa movie noon nina Gerald at Pia Wurtzbach, huh!

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Very supportive raw si Bea kay Gerald, at kitang-kita raw ng aming source na sabay dumating at magkasama ring umalis ang dalawa. Nagmukhang PA (personal assistant) pa nga raw si Bea dahil ang aktres daw ang nag-aabot ng anumang kailangan ni Gerald, huh!

Player si Gerald ng Marikina Shoe Masters, na kasali sa Maharlika Pilipinas Basketball League na magsisimula na this coming June 12.

Kung ilang oras daw tumagal ang practice at walang nakitang pagkainip kay Bea ang source namin. Kuwento niya, napapapalakpak pa raw ang aktres sa magandang laro ni Gerald paminsan-minsan, huh!

Dagdag pa rin ng source namin, mas napahanga raw kay Bea ang mga tao na naroon din sa practice. Bukod kasi sa kasimplehan ng Kapamilya actress, super kaway pa raw ito sa fans na sumisigaw sa kanyang pangalan.