Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

10:00 n.u. -- Vice Co vs PLDT (men’s)

2:00 n.h. -- BaliPure vs Creamline (women’s)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4:00 n.h. -- PayMaya vs PetroGazz (women’s)

MAS mainit at dikdikan ang labanan na matutunghayan para sa pinag-aagawang dalawang outright semifinals berth sa Premier Volleyball League (PVL) 2 Reinforced Conference.

Bagama’t bahagyang nakakalamang ang koponan ng Creamline (4-1) , nakabuntot lamang sa kanila ang limang koponang naghahangad ding makasingit sa pinaglalabang top two spots.

Pumapangalawa sa Cool Smashers ang BaliPure at PayMaya na kapwa may markang 3-2 kabuntot ang PetroGazz, Pocari-Air Force at Tacloban na may patas na markang 3-3.

Wala na sa kontensiyon ang BanKo- Perlas at Iriga-Navy na may 2-4 at 1-4 na marka, ayon sa pagkakasunod.

Kaya naman mahalaga at inaasahang maigting ang magiging mga laban sa natitirang anim na laro ng eliminations simula ngayong hapon.

Sa pambungad na laro, magtatangkang pumatas sa liderato ng BaliPure sa pagsagupa nila sa kasalukuyang lider na Creamline ngayong 2:00 ng hapon.

Susundan ito ng tapatan ng PetroGazz na target ang ika-4 na sunod panalo kontra sa unpredictable na PayMaya na sisikaping patuloy na makaagapay sa liderato ganap na 4:00 ng hapon.

-Marivic Awitan