Pambatong Fil-Am DQ sa relay; Double gold kay Salaño

ILAGAN CITY — Tinanghal na unang double gold medalist si Richard Salaño ng Philippine Army nang pagbidahan ang men’s 10,000-meter run kahapon sa 2018 Ayala Philippine Athletics Championships sa City of Ilagan Sports Complex dito.

Matapos dominahin ang men’s 3000m steeplechase nitong Huwebes, matikas ang Private First Class mula sa Marilao, Bulacan para tapusin ang karera sa tyempong 32 minuto at 30.67 segundo.

“This is my pet event and I really trained hard for two months in Baguio City for this,” pahayag ng 26-anyo na si Salaño. “I really wanted to repay the trust given to me by my commanding officer Col. Antonio John Divinigracia. All his support and my sacrifices are worth it.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakamit ni Erwin Generalao ang silver medal (33:48.48) habang bronze medalist si Cesar Castaneto ng Baguio City (34:32.05) sa torneo na inorganisa ng philippine Amateur Track and Field Association 9Patafa) sa pakikipagtulungan ng Ayala Corp.

“I really don’t know why they’re considering me as a son of a Kenyan. Even my Japanese rival in the Jeju half marathon (in South Korea over the weekend) thought I am a Kenyan. Maybe because I am with those Kenyan runners most of the time,” pahayag ni Salaño.

Target niyang makuha ang triple peat sa kanyang pagsali sa men’s 5,000 meter run.

Nakamit din ni Eliza Cuyom ng Dasmarinas City ang ikalawang gintong medalya nang magwagi ang grupo niya sa girls’ 4x100m relay sa teympong 49.49 segundo. Nakopo niya ang unang ginto sa 100m hurdles.

Samantala, diskwalipikado naman ang national team na binubuo nina SEA Games champion Fil-Am Eric Cray, Trent Beram, Anfernee Lopena at Clinton Bautista sa 4x100m relay matapos mabitiwan ang baton.

Bunsod nito, nagapi sila ng Team Adamson—Jeric Gaceta, Christian Olivares, Elias Cuevas and Alex Talledo— na may oras na 43.42 segundo.

-Jerome Lagunzad