PH Open, lalarga; Nationals, masusubok sa foreign rivals

ILAGAN CITY – MASUSUBOK ang kahandaan ng mga miyemrbo ng National team, sa pangunguna ni Fil-Am Eric Cray, sa paglarga ng 2018 Ayala Philippine National Open Invitational Athletics Championships ngayon sa Ilagan City Sports Complex.

PINOY BET! Nakaatang sa balikat nina Fil-Am runner Eric Cray at long jump champion Marestella Torres ang kampanya ng Team Philippines sa National Open simula ngayon sa Ilagan City, Isabela… (ALI VICOY) (MB File Photo)

PINOY BET! Nakaatang sa balikat nina Fil-Am runner Eric Cray at long jump champion Marestella Torres ang kampanya ng Team Philippines sa National Open simula ngayon sa Ilagan City, Isabela…
(ALI VICOY) (MB File Photo)

Pambato ng bansa si Cray, two-time Olympian, laban sa mga foreign rivals na naimbitahan para makipagtagisan ng husay at galing para sa nakatayang 150 gold medals sa limang araw na torneo na bahagi ng paghahanda ng bansa sa Asian Games sa Indonesia sa August at sa 30th Southeast Asian Games sa Manila sa susunod na taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Opisyal na magsisimula ang labanan ganap na 5:00 ng umaga sa pagsabak ng mga kalahok sa 10,000 meters (women), shotput (men) at high jump (women).

Ilang araw nang narito sa Ilagan City ang Texas-based na si Cray sa layuning makabisado ang tema ng panahon at kondisyon ng track oval. Inasahang magsusumite sila ng lahok kasama ang iba pang Fil)Ams na sina national team mainstays Fil-Am 4x100 specialist Trenten Beram, long jump queen Marestella Torres-Sunang, decathlete star Aries Toledo at triple jumper Mark Harry Diones.

“We expect our athletes to match or break their personal and season bests. To make it more enticing, incentives of P20,000 to P100,000 await athletes who can shatter Philippine records,” pahayag ni Philippine Athletics Track and Field Association of the Philippines (Patafa) president Dr. Philip Ella Juico.

Inaasahang magbibigya ng malaking hamon sa Pinoy ang mga atleta ng United Arab Emirates, Indonesia, Sri Lanka, Thailand, Malaysia at Sabah, naghahanda rin sa kanilangh paglahok sa 18th Asian Junior Athletics Championships sa Gifu, Japan sa Hunyo 7-10

“It is already hot in Gifu, so this is a perfect training ground for these visitors, who I am sure, will be going all out to test their own mettle for the coming Asian Juniors,” sambit ni Juico.

Tampok na division sa trackfest, kilala bilang National Athletics Open, ang Masters’ Competition.

“Some 800 to 900 athletes will be coming over. It is a big list, considering there is a Masters’ and Junior Division, making it truly an open competition,” pahayag ni Juico sa torneo na suportado rin Ayala Corporation, Milo at Philippine Sports Commission.

Sentro din ng atensyon sina national team athletes pole vault specialist EJ Obiena, kasalukuyang nagsasanay sa Formia, Italy sa pangangasiwa ni Ukrainian coach Vitaly Petrov.

Tangan ni Obiena, naka-recovery sa ACL injury na naging daan para hindi siya makalahok sa 2017 SEA Games, ang national record na 5.61 meters na naitala niya sa 2017 Stabhochsprung Classic sa Germany.

Isang simple, ngunit makulay na opening ceremony ang ilalatag ng host city, sa pangunguna nina Mayor Evelyn Diaz at dating Mayor at overall coordinator Jose Marie Diaz.

Magsasagawa rin ng mini concert ang singing sensation na si Morisette Amon, kasama si Bamboo sa Hunyo 4.