April 13, 2026

Home BALITA Metro

'Service interruption' ng LRT-2 inilatag na sa paghahanda sa Semana Santa

'Service interruption' ng LRT-2 inilatag na sa paghahanda sa Semana Santa
Photo courtesy: LRT via MB

Inilatag na ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang kanilang taunang maintenance schedule sa LRT Line 2 bilang paghahanda sa  darating na Semana Santa. 

Batay sa inilabas na pahayag ng LRTA nitong Lunes, Marso 16, pansamantalang mawawalan ng operasyon ang LRT Line 2 simula sa Huwebes Santo, Abril 2 hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, Abril 5. 

Anila pa, sa Lunes, Abril 6 na muling magbabalik ang regular na operasyon. 

Kaya pinayuhan ng pamunuan ang mga pasahero na maagang planuhin ang kanilang biyahe at gumamit ng alternatibong transportasyon sa mga araw na pansamantalang nakatigil ang mga operasyon. 

Metro

Lalaking naglalaro ng video games sa computer shop, pinagtulungan umanong saksakin