Inilunsad ng United States Agency for International Development (USAID) Human Resources for Health in 2030 (HRH2030) project upang tulungan ang Department of Health (DoH) na palakasin ang workforce skills para sa mas maayos na pagtugon sa pangangailangan sa kalusugan sa Pilipinas.

Ayon sa US Embassy sa Manila, ang limang taong proyekto na nagkakahalaga ng $15 million (P750-M), ay may temang “Investing in Health Workforce Saves Lives.”

“Through your commitment and our work together, we are confident that the Philippines will continue to build a strong and resilient health system,” ani USAID Mission Director Lawrence Hardy II

Nasa 30,000 medical doctors, nurses, dentists, medical technologists at midwives ang ipakakalat sa iba’t ibang panig sa bansa upang serbisyuhan ang pangangailan ng 106 milyong Pilipino.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Tutugunan ng HRH2030 project ang kakapusan sa pamamagitan ng pagsasanay sa health workers sa pagbbigay ng de-kalidad na family planning, maternal and child health, at tuberculosis services sa nanganganib na populasyon.

-Bert De Guzman