Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa timog-silangan ng United States, partikular sa Florida, Alabama at Mississippi, dahil sa pagtama ng Bagyo Alberto kahapon.

Sa ulat na tinanggap ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C., mahigpit na mino-monitor ng tanggapan ang sitwasyon sa kanyang hurisdiksiyon dahil sa bagyo.

Pinayuhan ng Embahada ang mga Pinoy sa Gulf Coast na maging alerto sa mga babala mula sa mga lokal na awtoridad at doblehin ang kanilang pag-iingat.

Ang Bagyo Alberto ang unang bagyo ngayong 2018 sa Atlantic hurricane season na nagdulot ng malawalakang pagbaha.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi ng National Hurricane Centre na bagamat hindi masyadong malakas ang dalang hangin nito sa 45mph, malaking banta ang dala nitong ulan na posibleng magdulot ng matitinding baha.

Batay sa datos ng Embahada ng Pilipinas, mayroong 179,647 Pilipino sa lugar na maaaring maapektuhan ng bagyo – 151,376 sa Florida; 14,409 sa Tennessee at 5,683 sa Mississippi.

-Bella Gamotea