PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Isang mataas na opisyal ng militar ang nasa balag ngayon ng alanganin makaraang manutok ng baril at manapak ng isang bagitong pulis nang magtalo sila sa Nueva Ecija

Road sa Barangay Sapang Bato, Palayan City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Palayan City Police ang suspek na si Army 1st Lt. John Rey Obillas, nakatalaga sa 24th Infantry Battalion sa Bgy. Tagudtog, Langalang, Abra, at residente ng Bgy. Poblacion, Llemery, Iloilo.

Dakong 9:40 ng gabi nang magtalo si Obillas at si PO1 Christian Francis Salem, nakatalaga sa District Mobile Force Battalion sa Southern Police District (SPD), at taga-San Luis, Aurora.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Minamaneho ang kanyang Mitsubishi Adventure, nag-overtake si Salem sa Hyundai Accent ni Obillas, na ikinagalit ng huli at tinutukan ng baril at sinuntok ang pulis.

Hanggang sa magharap sa presinto sa Bgy. Salupungan ay nagpang-abot ang dalawa sa harap nina PO3 Orlando Gloria at PO2 Reigran Manlamang, na humantong sa pagkumpiska sa baril ng sundalo.

-Light A.Nolasco