NAGULAT si Mariel Rodriguez sa balitang dumaan siya sa in vitro fertilization (IVF) na hindi totoo. Makailang beses na raw siyang natanong tungkol dito na lagi niyang pinabubulaanan.

MARIEL ISABELLA AT ROBIN

“They can ask my doctor, Eileen Manalo, she has a clinic at Asian Hospital, Makati Medical Center and St. Lukes Hospital,” hamon ni Mariel sa mga hindi naniniwala. “Kung kailan ako nananahimik, ‘no? Pero hindi naman ako affected because hindi naman totoo. Also, I have nothing against people who conceive through IVF. If for them okay ‘yun, great! I am happy for them. It’s just that in our case, we didn’t do that.”

May paliwanag ng maybahay ni Robin Padilla kung bakit hindi siya dumaan sa IVF.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“I have other issues like PCOS (Polycystic ovary syndrome), APAS (Antiphospholipid antibody syndrome) at gestational diabetes but thankfully did not have to spend for IVF,” sabi niya sa amin.

Samantala, kamakailan ay natanong si Robin tungkol sa pagbabalik-showbiz ni Mariel. Idinahilan ng isa sa dalawang leading man ni Jodi Sta. Maria sa Sana Dalawa Ang Puso ang anak nilang si Isabella na hindi raw humihiwalay sa ina.

Kaya ang tanong namin kay Mariel, kailan niya planong bumalik at kung may offer na bang hosting job sa kanya.?

“When I’m ready. Mabait ang ABS (CBN) sa akin, super love them,” sagot niya.

Hmmm, feeling namin ay malapit nang mapanood ulit si Mariel sa telebisyon, ayaw lang niyang sabihin kung kailan.

–Reggee Bonoan