Binaril nang malapitan at napatay ang isang barangay kagawad, habang tinamaan din ng bala ang vendor na binibilhan niya ng empanada sa gilid ng national highway ng Barangay Cabaroan sa Bantay, Ilocos Sur.

Kinilala ang nasawi na si Wilson Leones, 49, kagawad ng Bgy. Banaoang, Santa, sugatan naman si Edna Peralta, 46, empanada vendor, na taga-Bgy. Cabaroan sa Bantay, Ilocos Sur.

Sa report kahapon ng Ilocos Norte Police Provincial Office, bumibili ng empanada si Leones kay Peralta nang sugurin at barilin ng armadong lalaki, dakong 3:50 ng hapon nitong Lunes.

-Liezle Basa Iñigo
Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae