CANDELARIA, Quezon - Nag-viral sa social media ang video ng dalawang buwang sanggol na natagpuan ng mga residente sa isang lumang sementeryo sa Barangay Masin Norte sa Candelaria, Quezon, nitong Lunes.

Ayon sa salaysay ng mga residenteng nakadiskubre sa sanggol, Lunes ng umaga nang marinig nila ang pag-iyak nito mula sa lumang sementeryo.

Makalipas ang ilang minuto, pinuntahan ng mga residente ang pinagmumulan ng iyak hanggang sa matagpuan ang sanggol na nakasingit sa pagitan ng dalawang nitso.

Kaagad nilang dinala ang sanggol sa bahay ng kapitan ng barangay upang makahingi ng tulong, na inilipat naman sa pulisya ang kustodiya para sa imbestigasyon, at upang matukoy ang ina na nag-abandona sa sanggol.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Municipal Health Unit ng Candelaria ang sanggol.

-Danny J. Estacio