SA halip na mainip, ini-enjoy ng fans ni Alden Richards ang ginagawa ng GMA-7 na unti-unting pagbibigay ng information sa bagong teleserye ni Alden Richards na Victor Magtanggol.

ALDEN copy

Natutuwa ang fans ng aktor na gabi-gabi ay may inaabangan silang report sa 24 Oras tungkol kay Alden at sa tinatawag ng fans na VicMag teleserye.

L a s t M o n d a y , a n g theme song na sinulat ng Ex-Battalion at may pamagat na Superhero Mo ang ini-report sa 24 Oras at ibinalitang kasama si Alden sa mga kakanta nito.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

May BTS sa recording ng theme song at makikita si Alden na nakikihataw sa Ex-Battalion. Sa first part ng song maririnig ang boses ni Alden na naki-rap sa grupo.

Masayang-masaya ang Ex-Battalion members na sina Mark, FlowG at Darly na nakasama nila sa recoring si Alden. Kuwento ng isang member, nang sabihin ni Ai-A delas Alas (manager nila) na gagawa sila ng theme song para kay Alden at sa show nito, natuwa sila at agad na sumulat ng kanta.

Pinapatugtog na sa DzBB at DWLS ang Superhero Mo, maririnig din sa YouTube channel ng GMA-7 at maglalabas ng music video at lyrics para nasusundan ang kanta at kabisado na ‘pag umere na ang Victor Magtanggol.

--Nitz Miralles