NIYAYA ni Nicki Minaj si Eminem na samahan siya sa kanyang recording studio bilang kanilang “first date”, nang makatanggap siya ng special shout out mula kay Eminem sa kanyang Boston Calling festival set.

Nicki copy

Iniulat ng Cover Media, na umusbong nitong nakaraang linggo ang usap-usapan na nagkakamabutihan ang dating magkaibigan nang gawing reference ni Nicki si Eminem sa kanyang verse sa bagong single na Big Bank ng kapwa rapper na si YG, na tampok din sina Big Sean at 2 Chainz.

“Told ‘em I met Slim Shady, bagged a Em/Once he go black, he’ll be back again,” linya niya sa track, na inilabas nitong Biyernes.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Nagkagulo naman ang fans sa liriko ni Minaj, kaya napatanong ang kanyang isang follower ng, “You dating Eminem???”.

“YES,” ang reply ni Nicki, na tila agad namang napansin ni Eminem, kaya sumagot ito ng, “Girl you know it’s true”.

Sinakyan na ni Minaj ang espekulasyon sa relasyon at bawing ganti niya kay Eminen, “Babe, I thought we were gonna keep it (their relationship) on the low (a secret) til the wedding. Yikes. I’ll talk to you when I get home.”

Nitong Linggo, nakipagbiruan si Eminem sa fans nang magsalita siya tungkol sa naturang usap-usapan sa kanyang headline act sa Massachusetts’ Boston Calling event.

“I wanna take this time right now to give a shout to my bae (baby) Nicki Minaj,” sabi niya, na sinundan ng sigawan ng fans. “Sweetheart, I’ll be home tonight, we’ll figure this s**t out, how we’re gonna deal with this publicly.”

Klinaro naman ng Stan hitmaker na ang dating rumours ay hindi totoo, pero ang wish niya ay magkatotoo sana.

“Yo, Boston, how many people in here tonight want me to date Nicki Minaj...?,” tanong niya sa audience, kasabay ng sabing, “Godd**n it, me too!”

Pinagtawanan ni Nicki ang stunt na ito ni Eminem, at sumagot sa shout out sa pamamagitan ng Twitter, ilang oras makaraan ang pagtatanghal ng hunk rapper.

“LMFAOOOOOOOOOOOOOOO (laughing my f**king a** off),” post niya kasama ang video footage ng set ni Eminem. “The fact that he’s silly & a goof just like me. Love him so much.”

Ginamit niya ang pagkakataon na ito upang mag-propose ng bagong collaboration para sa kanyang upcoming album, na na-delay na ng dalawang buwan.

“Em we need you on the #Queen album,” sabi ni Nicki, at pabirong sinabi na, “That’s where our 1st date will be; at the studio while I gaze into ur beautiful eyes as u write ur verse (sic).”

Hindi pa tinatanggap ng Detroit, Michigan native, na dati nang nakipagtrabaho kay Nicki sa kanyang 2010 song na Roman’s Revenge, ang imbitasyon ni Minaj.