KAHIT kontrabida ang role ni Marvin Agustin sa Kambal Karibal, gusto pa rin siya ng mga sumusubaybay sa teleserye. Kahit nga pinatay ni Raymond (Marvin) si Macoy (Jeric Gonzales), naaaliw pa rin ang viewers kay Marvin. Dahil ang pagiging kontrabida raw ay sinasamahan niya ng comedy.

MARVIN

Natawa nga kami sa sagot ni Marvin na, “Sige, ikaw na ang manager ko mula ngayon... hehe” sa comment ng isa niyang follower na, “Wag ka na tumanggap ng bida role, Sir Marvin. Kontrabida na lang, bagay na bagay. Napapatawa mo kami gabi-gabi ng pamilya ko.”

Aliw din basahin ang sulat ni Marvin para sa characters na ginagampanan nina Miguel Tanfelix, Pauline Mendoza, Kyline Alcantara at Bianca Umali.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Dear Diego, Cheska, Crisan & Crisel. Isama na natin si Black Lad na dahil sa kasamaan ko, e, parang anak na din kita.

“Pinag-uusapan lang namin ng mga magulang n’yo kung ano pa puwedeng pagpapahirap na puwede kong gawin sa inyo habang enjoy na enjoy ang mga tao sa mga kabaliwan ko. Pumayag sina Geraldine (Carmina Villarroel) at Allan (Alfred Vargas), nakakatuwa naman kasi naintindihan nila na may mabuting nadudulot ang kasamaan ko.

“Manood po kayo gabi-gabi para humaba pa ang Kambal Karibal na maaaring maging tripletsor quadruplets sila dahil ‘yan sa pagmamahal na ipinaparamdam n’yo sa amin.

“Maraming salamat mga Kapuso!!!

Love,

Poging Pogi Raymond.”

-Nitz Miralles