TIME out muna ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera last Saturday at nanood ng The Lion King sa Solaire Theatre. Kasama ng mag-asawa ang anak nilang si Zia, ang Mommy Amy ni Marian, mga kapatid, pinsan.

DongYanZia at pamilya

Malapit na kasing magbukas ang classes kaya sinusulit na ng mga bagets ang bakasyon at ready ang mag-asawang Dingdong at Marian na samahan sila.

Kaya pala nagmamadaling umalis si Dingdong sa Ayala Feliz mall show para sa promotion ng pelikulang Sid & Aya (Not A Love Story) nila ni Anne Curtis sa Viva Films (showing na bukas nationwide). Nabigyan ito ng PG rating ng MTRCB. Pero tinapos daw naman muna ang show bago siya umalis.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Kita sa Instagram story ni Dingdong kung gaano kasaya si Zia at mga kasama nilang bagets. Caption ni Dingdong: “Hakuna Matata! The jungle at home will surely be lively for the next couple of days because of the show’s good vibes.”

Ang ibig daw sabihin ng Hakuna Matata ay “no worries, for the rest of your days.”

Tiyak na dala-dala ng mga bata ang kasiyahan sa napanood kaya good vibes pa ang mga susunod na araw nila.

Meanwhile, tuluy-tuloy si Dingdong sa kanyang advocacy kasama ang Yes Pinoy Foundation. Noong isang araw ay pumirma siya sa GMA Kapuso Communication. “See that smile on my face? That’s just a glimpse of how happy I am whenever I wear my ‘other; hat. I am looking forward to another year of partnership with GMA for the GMA Network Excellence Award (GNEA), as we continue our search for the country’s outstanding student leaders who are taking up communication and technology-based courses.”

-NORA CALDERON