MAY panibagong hamon na haharapin si Alden Richards sa kanyang pagganap sa upcoming Kapuso series na Victor Magtanggol.

Alden Richards copy

Sa ulat ng 24 Oras, ipinaliwanag ni Alden kung sino si Victor Magtanggol.

“Si Victor Magtanggol ay isang simpleng tao na nabigyan ng isang ekstraordinaryong misyon sa buhay na masusukat ang lahat sa buhay niya: pagsubok sa pamilya, pagsubok bilang kapatid, pagsubok bilang kaibigan, lahat.”

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Matagal nang gustong gawin ni Alden ang ganitong klaseng proyekto kaya wala siyang pag-aalinlangan nang tanggapin ito. Lalo siyang na-excite sa programa dahil nahigitan ng istoryang binuo ng creative team ng serye ang inaasahan niya.

“Natuwa ako at na-excite kasi ‘yung puso ng character naramdaman ko agad binasa ko pa lang ‘yung first week ng script,” sabi ni Alden.

Nakatutok at involved si Alden sa magiging takbo ng kuwento dahil nakikipag-collaborate siya sa creative team ng programa.

“Yung mensahe na ide-deliver nu’ng project na ito sa manonood is kailangan napapanahon, mapupulutan ng ispirasyon at kumbaga ay magiging aspirational.”

Tiniyak niya na makakarelate ang Kapuso viewers kay Victor Magtanggol na ang istorya ng buhay ay puno ng drama, aksiyon at adventure na sumasalamin sa buhay ng bawat Pilipino.

“Nang ‘binigay kasi sa akin ang Victor Magtanggol at then diniscribe ang character niya, ang lakas ng koneksiyon sa mga Pilipino. So ‘yung mga Pilipino na may prinsipyo, ‘yung ‘pag inatasan mong gawin ang isang bagay ay paninindigan nila. Gusto natin kapag pinanoood ng mga Kapuso natin si Victor Magtanggol, makikita nila ang mga sarili nila.”