SINIGURO ng mga ahensiya ng pamahalaan, sa pangunguna ng Presidential Commission for the Urban Poor, nitong Sabado na patuloy na mararamdaman ng mga Pilipino ang mga programa at serbisyo na nakalatag sa ilalim ng “Biyaya ng Pagbabago”, isang pambansang adyenda upang mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa, lalo na ang mga nasa pinakamahihirap na sektor.
Sa isang press briefing sa ginanap na “1st Urban Poor Day” sa Camarin D Elementary School sa Caloocan City, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na ang lahat ng mga nakatanggap ng tulong mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ay patuloy na makakukuha ng serbisyo.
“That is why we have a registration (system),” ani Diño, habang ipinaliwanag din na ang data system ang tutulong sa mga ahensiya na matukoy umano ang mga programa at serbisyo na higit na kinakailangan at nararapat na makuha ng mga mamamayan. Paraan din ito upang matukoy kung sinu-sino na ang nakatanggap ng mga serbisyo.
Ayon kay Diño, para sa mga nakatanggap na ng serbisyo ng programang “Biyaya sa Pagbabago”, maaaring lumapit ang mga ito sa mga health office ng kanilang munisipiyo upang makuha ang mga kailangan nilang tulong, dahil maaari nang maipasa ang kanilang mga datos sa lokal na mga health centers.
Dagdag pa niya, ang mga datos ng publiko ay iaayos at ibibigay sa mga ahensiya ng pamahalaan upang patuloy silang makatanggap ng serbisyo ng pamahalaan.
Kabilang sa mga serbisyong maaaring matanggap ng publiko ang mga medical mission, livelihood training, legal assistance, masahe, gupit ng buhok, feeding program, kaalaman tungkol sa masamang dulot ng pagkalulong sa droga at ang isyu ng federalismo.
Ibinahagi naman ni Office of the Participatory Governance (OPG) Undersecretary Joselito Libres na ang programang “Biyaya ng Pagbabago” ay inilunsad sa Davao City noong Disyembre 2017, bilang isang programa para sa mahihirap na tutugon din sa adhikain ng Philippine Development Plan (PDP) 2017 – 2022.
“This is being rolled out in the entire country , in all the regions together with different sectors. We want all the agencies to help together in ensuring that services will be provided immediately and effectively towards the people especially those who really need them -- the poor,” giit ni Libres.
Hinikayat din ni Libres ang mga benepisyaryo na sumali at aktibong makilahok sa mga programa ng pamahalaan.
“We want them to also do their role in accessing the services. So there will be two approaches here --government and the people helping together in providing solution to poverty especially the impoverished ones — farmers, fishermen, Lumads and urban poor, the sectors with serious poverty incidence,” dagdag pa niya.
PNA