GAGAWING ‘Olympics in the Philippines’ ang Philippine National Games para higit na maenganyo ang mga atleta na magsanay at maghanda sa bawat taon ng kompetisyon.
Ito ang ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Officer-In-Charge Ramon “El Presidente” Fernandez matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng torneo sa Cebu City.
Ayon sa dating 4-time Most Valuable Player (MVP) ng PBA, naniniwala siya na sa pamamagitan ng PNG ay aangat ang antas ng laro ng mga Filipino athletes particular na ang mga miyembro ng national team.
“We envision the PNG to be the Philippine Olympics. We hope that they will be scouted by the NSAs to be a part of their elite program,” pahayag ni Fernandez.
Ikinatuwa ni Fernandez ang kasiyahan na naidulot ng PNG hindi lamang sa mga sumuporta dito kundi pati mismo sa mga atleta na lumahok sa nasabing torneo, gayung magiging daan ito upang lalo pang galingan ng ang kanilang performance lalo na sa laki ng papremyo na nakataya dito.
“We’d like to thank of course, President Mayor Duterte for coming over ang gracing the opening ceremonies. Yung pagpunta niya naging isang malaking inspirasyon din para sa mga atleta na sumali at gayundin sa mga dala nilang Local government Units (LGUs). Ngayon siguro ‘yung mga hindi sumaling LGUs, nagsisi na sigurado next year sasali na rin yung iba,” pagbibro pa ni Fernandez.
Naging emosyonal din umano si Fernandez nang makita niya kung gaano karaming atleta ang nakibahagi sa PNG, lalo pa nang tumakbo siya tangan ang sulo at sinindihan ang torch na nagsimbulo ng pagsisimula ng mga labanan.
“I feel very inspired because these guys are experiencing what i have experienced before when i started out. This is indeed a very good program,” ayon pa kay Fernandez.
-Annie Abad