SABI ng mga nakabasa sa ipinost ni JM de Guzman na quotation card na, “OK, You Want Me Up In A Cage Then I’ll Come Out In Beast Mode” ay para raw sa ama ng aktor ang message na ‘yun.

Untitled-36 copy

Pero dinelete rin ni JM ang naturang post, kaya hindi na mahanap sa Instagram account niya.

Ang tsika, hindi pabor ang dad ni JM sa mga kaibigan at nakakasama ng aktor sa mga lakad nito ngayon at nag-post pa nga ang dad niya ng picture ng aktor kasama ang mga kaibigan (from showbiz and non-showbiz) na may beer sa mesa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Obviously, nagkainuman ang grupo.

Ang caption ng ama ni JM sa picture ay “ReCOVERING PO” at hashtags na “#supportgroup #thelastsupper #trueprens #postpamore #twoyearssincerehab #maymali #ikawnaumiwas #wrongcompany.”

 Sa sumunod na quotation card post ni JM na “I Sincerely Apologize. I WAS WRONG. You don’t have to disrespect and insult others simply to hold your own ground. If you do, that shows how shaky your own position is.”

May kasunod pang “Sorry for hurting your feelings” at sa ibaba ang I’m really sorry dad I love you” na galing kay JM, kaya nakumpirma na para sa ama ang una niyang quotation card post.

Ibig sabihin nito, nakapag-usap na ang mag-ama mula nang i-post ni Mr. Ronniel de Guzman ang photo ni JM kasama ang mga kaibigan na parang nag-iinuman at mula sa unang quotation card post ni JM.

Pabor ang ibang netizens sa ginawa ng ama ni JM dahil concern ito sa anak. (Nitz Miralles)