Umabot sa 9 na katao ang napatay sa tatlong oras na anti-drug operations sa Matalam, North Cotabato kahapon, kinumpirma ng Philippine National Police (PNP).

Sa report na ipinarating sa Camp Crame, nagsimula ang operasyon dakong 11:15 ng gabi hanggang 2:00 ng madaling araw.

Sa ulat ng North Cotabato Provincial Police Office (NCPPO), anim sa mga napatay ay kinilalang sina Terereng Salping, Burad Salping, Dadting Kasan, Intan “Puti” Aban, Mauntapo Aban, at isang alyas Orong.

Sa report ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng NCPPO, target sa operasyon sina Kasan at Aban ng Sitio Biao, Barangay Kilada, sa Matalam, dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa halip na sumuko, pinaputukan umano ng mga suspek ang awtoridad hanggang sa nagbarilan at bumulagta ang pitong suspek habang sa ospital na namatay ang dalawa pa.

Narekober sa operasyon ang iba’t ibang uri ng baril at mga bala kabilang ang hinihinalang shabu. (Fer Taboy)